Thursday, August 2, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik

     Image result for filipino wika ng saliksik
      Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24 na nagpapahayag na ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik."

        "Ang temang ito ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika"  - Komisyon sa Wikang Filipino.

      Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay may layuning iimplementa ang Proklamasyon Blg. 1041, s 1997. na nagpapahayag ng taunang BUWAN NG WIKANG PAMBANSA tuwing Agosto 1-31, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Na kung saan isinusulong nito ang paggamit ng Wikang Filipino sapagkat kailangan tayong mamamayan ay bihasa sa paggamit nito. 

     Isa pang layunin nito ay ang pag-enganyo sa mga ahensiya ng gobyerno na at pribadong sector na makilahok sa mga iba't ibang programa na nagsusulong na maipalaganap ang wikang Filipino at kaalaman tungkol sa mga Filipino. Ang mga ahensiya ng gobyerno ay kailangang ding isulong ang ating wika, sapagkat sila ang mga unang magpapalaganp nito. Ang maging inspiration sa mga Pilipino na pahalagahan ang sariling wika sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa wika. Dahil tayong mga Pilipino ang dapat ding unang gumamit at magmahal sa ating wika. 

     Ang pananaliksik ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa at ang wikang Filipino ay napakahalaga sa pananaliksik. Maraming mga mananaliksik ang gumagamit ng wikang Filipino sapagkat nais nilang maiparating sa iba ang kultura ng mga Pilipino. Pakatandaan natin na dapat makilahok sa mga gawain ng Buwan ng Wika at iparating din sa iba ang kahalagahan ng wika natin. Sabi nga ni Doktor Jose Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa amoy ng malansang isda."


References: 
-Google Image - https://www.affordablecebu.com/_ld/307/95280986.jpg
-https://www.acadshare.com/buwan-ng-wika-theme/

2 comments: