Tuesday, December 4, 2018

Tamang Pag-aaruga

     Tayo'y naniniwala sa kasabihang "Kabataan ang pag-asa ng ating bayan" kung kaya naman sinisikap ng mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak. Inaalagaan nila ang anak simula palang nung ito'y nasa sinapupunan hanggang sa ito'y lumaki at magkaisip. 

    Ang ating mga magulang ang siyang nag-aaruga sa atin. Palagi nila tayong iniisip at ang kapakanan lamang natin ang kanilang isinasa-alang-alang. 

Ngunit minsan, hindi lahat ng bata ay nararamdaman at nararanasan ang aruga ng isang ina o ama, maging ng kanyang buong pamilya. Sa murang edad ay sila na ang nagtratrabaho para sa sarili. Kung hindi ulila ay sadyang pinabayaan na ng kanilang magulang. Kung kaya't upang mabuhay ay namumulot ng basura o di kaya'y nagpapalimos na lamang. Hindi na nakakapag-aral, walang tinitirhan, pagala-gala, walang malinis na damit at walang batang nais makipaglaro sa kanila.

     At ngayong Nobyembre na Children's Month Celebration, isinusulong nito ang tamang pag-aaruga sa mga bata. Ang lahat ng bata ay dapat alagaan at huwag nating sasaktan sapagkat ang tamang pag-aaruga ay dadalhin ng bata sa kanyang pagtanda at siya ring gagawin niya sa kanyang anak.






Reference:
-http://glasove.com/img/news/52142_xc0mcA9owWOer2q8LDFY4MlHhMo4qU.jpg
-http://vollur.hjalli.is/v%C3%B6llur/krakkar.png

No comments:

Post a Comment