Tuesday, November 20, 2018

Mapanuring Paggamit ng Gadget


   


     Tayo'y nabubuhay ngayon sa panahon ng teknolohiya kung saan ang bawat isa ay mayroon ng gadget. Dahil sa mga ito mas napapadali pa ang pang araw araw na buhay. Dahil sa mga gadget na ito marami ka ng magagawa sa isang araw. Ang pakikipagkumunikasyon sa iba ay mas napapadali na rin dahil dito. Ngunit minsan nasosobrahan rin ang paggamit ng mga ito.

      Nakakaligtaan natin kung minsan ang mga bagay na ating gagawin dahil sa nakatutok tayo sa ating mga gadget. Nakakalimutan na natin kung minsan ang mga mahahalagang bagay tulad ng ating pamilya. Minsan kahit na nagkakasama sa iisang lugar ang pamilya, gadgets pa rin ang hawak ng bawat isa.


      Sa paggamit ng gadget dapat nating isa alang alang na itoy may limitasyon. Ating lamang itong gamitin kung kinakailangan at huwag sa lahat ng oras ay ginagamit natin ito. Sadya ngang nakatutulong ang mga gadget dahil tayo'y nasa ika-dalawampu't isang siglo na. Ang mga kabataan na tinatawag na millenial na maalam sa mga teknolohiya. Ngunit ating pakatandaan na mas mahalaga pa rin  ang pamilya at kapwa. Ang pakikisalamuha sa iba ay mas maganda pa rin kaysa sa pagbababad sa mga gadget.

     Ang mapanuring paggamit ng mga gadget ay tutungo sa mapagkalingang ugnayan ng pamilya at kapwa.





References:
-https://www.popsci.com/sites/popsci.com/files/styles/1000_1x_/public/images/2018/08/rawpixel-561415-unsplash.jpg?itok=W8kwfQpW&fc=50,50
-https://cdn.shopify.com/s/files/1/0810/3669/products/rose-gold-ombre-set.jpg?v=1495732672

No comments:

Post a Comment